Thursday, 21 February 2013

Probinsya ng Cavite


Ang Kabite ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa katimugang baybayin ng Look ng Maynila sa rehiyon ng CALABARZON ng Luzon, 30 kilometro sa timog ng Maynila. Trece Martires ang kabisera nito at ang nanatiling sentro ng pamahalaang panlalawigan kung saan matatagpuan ang kapitolyo. Pinalilubutan ang Kabite ng mga lalawigan ng Laguna sa silangan at Batangas sa timog. Sa kanluran matatagpuan ang Dagat Timog Tsina. Nagmula ang pangalang "Cavite" sa kinastilang salitang tagalog na kawit na pinaikling kalawit, bilang pantukoy sa kalupaan sa tangway ng Kabite na nakausli sa Look ng Maynila. Orihinal na ginamit lang ito sa tangway  at sa mga kalapit na pook . Dating kabisera ng lalawigan ang Lungsod ng Cavite hanggang 1954, at gaya ng iba pang mga lalawigan sa Pilipinas na binuo noong panahon ng mga Kastila, ang pangalan ng kabisera ay pangalan na rin ng buong lalawigan.

Ekonomiya

Ang Kabite ay isa sa mga lalawigan mabilis ang pag-angat ng ekonomiya sa Pilipinas dahil sa kalapitan nito sa Metro Manila. Maraming kompanya katulad ng Intel, ay nagtaguyod ng planta sa mga maraming industrial parks. Apat na SM Malls at tatlong Robinsons malls ang matatagpuan sa lalawigan ng Kabite. Ito ay ang SM City Dasmarinas, SM City Bacoor, SM supercenter Molino (matatagpuan din sa Bacoor), SM City Rosario, Robinsons place Imus, Robinsons Place Dasmariñas at Robinsons Place Tagaytay. Ang dating pagsasaka ay nalahukan na ng mga industriya at mga kumpanya na gumagawa ng ibat ibang produkto na gamit di lang sa bansa kundi para pangangailangan ng technologia sa ibang panig ng daigdig. Ang CEPZA (Cavite Export Processing Zone) ay isa na dito.gayon pa man ang kaitaasang bahagi ng kavite o upland towns ay nanatiling may taniman ng mga kape,paminta at iba ibang bungang kahoy na nakararating sa pamilihan sa kalakhang maynila at karatig lalawigan.kaya naman patuloy na magiging kasiyahan ng mga dumadaang mga lokal at dayuhang mga turista ang mga prutas tulad ng pinya,papaya,guyabano,niyog at iba pa sa tuwing sila ay napapagawi sa masaganang lalawigang ito habang nadaan sa tagaytay at patungo sa mga baybay dagat ng karatig lalawigan ng batangas.

Tradisyon, Paniniwala at Debosyon

Ang lalawigan ng Cavite ang isa sa pinaka mayaman sa tradisyon sa ating bansa. Maraming kapistahan ang ipinagdiriwang sa bawat barrio at bayan nito. Ilan din dito ay ang kapistahan ni San Agustin sa Tanza, Sto Nino sa Ternate, Sta Maria Magdalena ng Kawit, Sto Rosario de Caracol ng Salinas, Birhen ng Candelaria sa Silang at ang Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga na tinatawag din na Reina de Cavite at "La Excelsa y La Celestial Guardiana y Protectora dela Provincia de Cavite".Pinaniniwalaan na ang imaheng ito ay mapaghimala kung kaya't tinawag itong " Birheng may libong Milagro". And debosyon sa Virgen ng Soledad ang pinakamalaking ambag ng mga Kabitenyo sa kasaysayan ng debosyon kay Maria at sa Simbahang Katolika sa Pilipinas. Ayon kay Propesor Genoveva Edroza, ang kapistahan ng San Diego sa Noli Me Tangere ay ibinase sa kapistahan ng Virgen ng Soledad ng Porta Vaga.Noong Nobyembre 17, 1978 iginawad ng Roma ang Koronasyong Kanonikal sa imahen. Ang kanyang kapistahan ay ipinagdididwang tuwing ikalawa at ikatlong linggo ng Nobyembre. Ang imahen ay matatagpuan sa Parokya ng San Roque, Lungsod ng Cavite.




3 comments: