Mga Hanapbuhay sa Cavite ...
PANGINGISDA ...
Ang PANGINGISDA ay ang paghuhuli sa pamamagitan ng pamimingwit at pagbibitag. Maliban sa mga isda, maaari rin itong matukoy ang paghuli sa iba’t-ibang uri ng yamang-dagat tulad ng mga molusko, tahong, sugpo at pugita. Ang pangingisda ay isang gawain mula pa noong sinaunang panahon.
MGA PARAAN NG PANGINGISDA
Pangingisda Gamit ang Kamay
Posible ang
pangingisda na gamit lamang ang kamay. Sa mga isla ng Britanya, ang tawag sa
pangingisda ng trout gamit ang kamay ay tinatawag na trout tickling, at ang
pamamaraang ito ay tinatampok sa ilang mga palabas sa teatro na isinulat ni
Shakespeare. Maaari ding makahuli ang mga maninisid ng ulang sa pamamagitan ng
kamay. Ang paninisid ng perlas ay
karaniwang ginagawa hanggang sa lalim na 30 metro. Ang tinatawag na hand-line fishing o
pangingisda sa gamit ng mga pamingwit ay karaniwan din.
Pangingisda
Gamit ang Sibat at Pana
Ang pangingisda
gamit ang sibat at pana ay isang sinaunang pamamaraan ng pangingisda na siyang
karaniwang ginagamit pa rin sa panahon ngayon. Sa gawing timog at
timog-kanlurang mga estado sa Amerika ay gumagamit sila ng sibat na may tatlong
tusok upang humuli ng mga palaka (bullfrog) at karpo sa mga mababaw na
katubigan . Ang paggamit ng speargun ay isang mas epektibong pamamaraan ng
panghuli ng isda, at karaniwan itong ginagamit sa ngayon ng mga maninisid. Ang
mga maningisdang gumagamit ng pana at sibat ay nakakahuli ng isda mula sa
ibabaw ng katubigan.
Mga Lambat
Ang lambat ay isa
sa mga pangunahing kagamitan sa panghuhuli ng isda. Karamihan sa mga lambat ay
yari sa pamamagitan ng pagbuhul-buhol o paghabi ng mga sinulid. Sa ngayon, mga
lambat na gawa sa artipisyal na materyales (katulad ng nylon) ang mas laganap
na ginagamit, ngunit mayroon pa ring mga lambat na yari sa organikong
materyales tulad ng lana (wool) at seda (silk).
"Dredging"
Ang tinatawag na dredging ay tumutukoy sa paglimas ng lupa
sa ilalim ng katubigan upang mahakot ang mga nakabaon na mga yamang-dagat tulad
ng mga kabibi at talaba. Ginagamit dito ang tinatawag na dredge na siyang
parang salok na dumadaan sa lupa sa ilalim ng tubig. Karaniwan itong nakakabit
sa isang bangka. Ang problema sa pamamaraang ito ay maaari nitong masira at
mapatay ang iba pang mga namumuhay sa ilalim ng dagat maski na hindi naman ito
kailangan sa pangingisda. Nagdudulot tuloy ito ng pagkakawalang-balanse sa
ecosystem. Dahil dito, pinapalitan ang sistemang ito ng pangingisda ng ibang
paraan tulad ng paninisid at mariculture.
Mga Pamingwit
Ang pamingwit ay
tumutukoy sa paggamit ng kurdon na may kawit para sa pangingisda. Ang ilan sa
mga salik na isinasaalang-alang sa pamimili ng pamangwit ay ang sumusunod: ang
pagkakayari ng kurdon, bigat, haba at tibay nito.
Paggamit ng Saranggola
Isa itong kakaibang pamamaraan ng paghuli ng
isda na maaaring nagsimula sa Tsina. Sa ngayon, ito rin ay ginagawa sa mga
lugar tulad ng New Guinea at iba pang mga isla sa Pasipiko. Ang kagandahan ng
pangingisda gamit ang saranggola ay maaari itong gamitin maski walang bangka at
sa mga lugar na makikipot o siyang mapanganib ang pamamangka dahil sa mga
koral. Ang mga saranggolang ginagamit sa pangingisda ay maaaring yari sa dahon
ng niyog na pinatibay ng maliliit na kahoy. Ang kordon naman na nakakabit sa
saranggola ay maaaring yari sa hibla ng niyog.
Pangingisda sa Yelo
Ito ay ginagawa sa
mga lugar na may mahabang panahon ng tag-lamig. Ginagawa ito sa pamamagitan ng
pagbutas sa yelo na bumabalot sa katawan ng tubig (tulad ng ilog o lawa), at
pangingisda gamit ang pamingwit mula sa butas na ito.
. BUY and SELL .
. BUY and SELL .
Ang BUY
AND SELL ay
pagbenta at pagbili ng bagay bagay tulad ng kotse , bahay at marami pang
iba …
Isa sa mga kadalasang ibinibenta sa CAVITE ay ang mga " owner type jeep " ...
Buy and Sell : Paano nga ba ?
Kadalasan ang
mga bagay na ibinebenta ang mga “2nd hand” na bagay o di kaya’y mga
bagay na luma na. Ang unang hakbang sa hanapbuhay na ito ay ang pag – ayos sa
isang bagay na iyong nais na ibenta kung ito man ay may sira. Pagkatapos ,
maaring kuhanan ito ng litrato at i-post ito sa mga sites na nagbebenta ng mga
2nd hand na bagay o di kaya’y gumawa ng paraan kung paano ito
mapapansin ng mga tao sa lugar niyo. Sunod , ay ang pagpapasiya kung magkano
ang dapat na presyo nito para naman ikaw ay kumita at maibalik ang iyong
nagastos sa pag-papaayos kung may sira nung una ang bagay na iyong gusto
ibenta. Pagkatapos , pag may
nakapansin na sa iyong bagay na ibenenta , Kadalasan sila na ang lalapit o
tatawag para makahingi ng ibang
impormasyon tungkol sa bagay na iyong binibenta. Matapos ito , pag-
uusapan niyo naman ang presyo ng bagay na ito. Ang huli , napagkasuduan niyo na
ang presyo at tapos na , ang dating 2nd na bagay o ang gamit mong
luma ay napakinabangan mo na.
Paggawa ng ASIN ..
1.Ipunin ang
tubig
alat.
Ang tubig na mayaman sa tubig ang makukuha din sa mga anyong tubig na mayaman din sa asin o sa mga tubig alat. Ang kulay ng asin na iyong malilikha ay depende sa mga
mineral na matatagpuan sa nasabing anyong tubig .
2. Salaiin ng mabuti ang tubig.
Gumamit ng “cheesecloth” sa pagsala nito. Isa o higit pang lebel ang pwdeng gamitin. Ito ay makakatulong sa pag – alis ng ibang dumi sa tubig.
3. Magpasingaw ng tubig.
Ilagay ang nasala na tubig alat sa isang palayok at ipakulo hanggang sa halos lahat na ng tubig ay mawala na . Maari itong ibilad sa araw. Alisin ang mamasa asin mula sa palayok at ilagay ang mga ito sa isang plato o sa isang mangkok. Ibilad ito sa araw upang matuyo o mawala ang iba pang tubig dito.
4 .Ilagay
ang
nagawang
asin
sa
lalagyan.
Ngayon
ang
iyong
asin
ay handa
nang
gamitin Maaari
mong
piliin
na
magdikdik
ang
mga
ito
ng
mas
pino.
maganda very informative...ngayon ko lang nalaman na pwd palang gamitin ang saranggola sa pangingisda...
ReplyDeleteNice blog .. matagal na rin akong nakapag -work diyan pero ngayon ko lang nalaman na may mga tao sa cavite na ikinabubuhay ang paggawa ng asin akala ko sa pangasinan lang yun eh .. thanks sa blog niyo :))
ReplyDeletewow!!! andami palang ways ng mga taga Cavite sa pangingisda ??
ReplyDeleteSana black na lang ang ginamit niyong color para sa text para mas malinaw at mas maintindihan, pero maganda naman.
At mas maraming impormasyon sa Paggawa ng Asin.
Ultrexlide Naps vs T-Shirt. T-Shirt. By Titanium-Arts.
ReplyDeleteT-Shirt. titanium ore 4 out of 5 titanium 200 welder stars. T-Shirt. T-Shirt. titanium nose hoop T-Shirt. T-Shirt. omega titanium T-Shirt. T-Shirt. head titanium tennis racket T-Shirt. T-Shirt. T-Shirt.