Thursday, 21 February 2013


                                               Mga Hanapbuhay sa Cavite ...



PANGINGISDA ...
 
Ang PANGINGISDA ay ang paghuhuli sa pamamagitan ng pamimingwit at pagbibitag. Maliban sa mga isda, maaari rin itong matukoy ang paghuli sa iba’t-ibang uri ng yamang-dagat tulad ng mga molusko, tahong, sugpo at pugita. Ang pangingisda ay isang gawain mula pa noong sinaunang panahon
  

                                                                                                                                                                       MGA  PARAAN NG PANGINGISDA 

Pangingisda Gamit ang Kamay

        
         Posible ang pangingisda na gamit lamang ang kamay. Sa mga isla ng Britanya, ang tawag sa pangingisda ng trout gamit ang kamay ay tinatawag na trout tickling, at ang pamamaraang ito ay tinatampok sa ilang mga palabas sa teatro na isinulat ni Shakespeare. Maaari ding makahuli ang mga maninisid ng ulang sa pamamagitan ng kamay.  Ang paninisid ng perlas ay karaniwang ginagawa hanggang sa lalim na 30 metro.   Ang tinatawag na hand-line fishing o pangingisda sa gamit ng mga pamingwit ay karaniwan din.


Pangingisda Gamit ang Sibat at Pana

 Ang pangingisda gamit ang sibat at pana ay isang sinaunang pamamaraan ng pangingisda na siyang karaniwang ginagamit pa rin sa panahon ngayon. Sa gawing timog at timog-kanlurang mga estado sa Amerika ay gumagamit sila ng sibat na may tatlong tusok upang humuli ng mga palaka (bullfrog) at karpo sa mga mababaw na katubigan . Ang paggamit ng speargun ay isang mas epektibong pamamaraan ng panghuli ng isda, at karaniwan itong ginagamit sa ngayon ng mga maninisid. Ang mga maningisdang gumagamit ng pana at sibat ay nakakahuli ng isda mula sa ibabaw ng katubigan.


Mga Lambat
   
 Ang lambat ay isa sa mga pangunahing kagamitan sa panghuhuli ng isda. Karamihan sa mga lambat ay yari sa pamamagitan ng pagbuhul-buhol o paghabi ng mga sinulid. Sa ngayon, mga lambat na gawa sa artipisyal na materyales (katulad ng nylon) ang mas laganap na ginagamit, ngunit mayroon pa ring mga lambat na yari sa organikong materyales tulad ng lana (wool) at seda (silk).


"Dredging"

Ang tinatawag na dredging ay tumutukoy sa paglimas ng lupa sa ilalim ng katubigan upang mahakot ang mga nakabaon na mga yamang-dagat tulad ng mga kabibi at talaba. Ginagamit dito ang tinatawag na dredge na siyang parang salok na dumadaan sa lupa sa ilalim ng tubig. Karaniwan itong nakakabit sa isang bangka. Ang problema sa pamamaraang ito ay maaari nitong masira at mapatay ang iba pang mga namumuhay sa ilalim ng dagat maski na hindi naman ito kailangan sa pangingisda. Nagdudulot tuloy ito ng pagkakawalang-balanse sa ecosystem. Dahil dito, pinapalitan ang sistemang ito ng pangingisda ng ibang paraan tulad ng paninisid at mariculture.

Mga Pamingwit

 Ang pamingwit ay tumutukoy sa paggamit ng kurdon na may kawit para sa pangingisda. Ang ilan sa mga salik na isinasaalang-alang sa pamimili ng pamangwit ay ang sumusunod: ang pagkakayari ng kurdon, bigat, haba at tibay nito.

Paggamit ng Saranggola

 Isa itong kakaibang pamamaraan ng paghuli ng isda na maaaring nagsimula sa Tsina. Sa ngayon, ito rin ay ginagawa sa mga lugar tulad ng New Guinea at iba pang mga isla sa Pasipiko. Ang kagandahan ng pangingisda gamit ang saranggola ay maaari itong gamitin maski walang bangka at sa mga lugar na makikipot o siyang mapanganib ang pamamangka dahil sa mga koral. Ang mga saranggolang ginagamit sa pangingisda ay maaaring yari sa dahon ng niyog na pinatibay ng maliliit na kahoy. Ang kordon naman na nakakabit sa saranggola ay maaaring yari sa hibla ng niyog.

Pangingisda sa Yelo

Ito ay ginagawa sa mga lugar na may mahabang panahon ng tag-lamig. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbutas sa yelo na bumabalot sa katawan ng tubig (tulad ng ilog o lawa), at pangingisda gamit ang pamingwit mula sa butas na ito.
                                                                                                       
                                                                                                    


. BUY and SELL .


Ang BUY AND SELL ay pagbenta at pagbili ng bagay bagay tulad ng kotse , bahay at marami pang iba


 

Isa sa mga kadalasang ibinibenta sa CAVITE ay ang mga " owner type jeep " ...





Buy and Sell : Paano nga ba ?


     Kadalasan ang mga bagay na ibinebenta ang mga “2nd hand” na bagay o di kaya’y mga bagay na luma na. Ang unang hakbang sa hanapbuhay na ito ay ang pag – ayos sa isang bagay na iyong nais na ibenta kung ito man ay may sira. Pagkatapos , maaring kuhanan ito ng litrato at i-post ito sa mga sites na nagbebenta ng mga 2nd hand na bagay o di kaya’y gumawa ng paraan kung paano ito mapapansin ng mga tao sa lugar niyo. Sunod , ay ang pagpapasiya kung magkano ang dapat na presyo nito para naman ikaw ay kumita at maibalik ang iyong nagastos sa pag-papaayos kung may sira nung una ang bagay na iyong gusto ibenta. Pagkatapos , pag may nakapansin na sa iyong bagay na ibenenta , Kadalasan sila na ang lalapit o tatawag para makahingi ng ibang  impormasyon tungkol sa bagay na iyong binibenta. Matapos ito , pag- uusapan niyo naman ang presyo ng bagay na ito. Ang huli , napagkasuduan niyo na ang presyo at tapos na , ang dating 2nd na bagay o ang gamit mong luma ay napakinabangan mo na.


Paggawa ng ASIN .. 

 
1.Ipunin ang tubig alat.
   Ang tubig na mayaman sa tubig ang makukuha din sa mga anyong tubig na mayaman din sa asin o  sa mga tubig alat. Ang kulay ng asin na iyong malilikha ay depende sa mga mineral na matatagpuan sa nasabing anyong tubig .

2. Salaiin ng mabuti ang tubig.
  Gumamit ng “cheesecloth” sa pagsala nito. Isa o higit pang lebel ang pwdeng gamitin. Ito ay makakatulong sa pagalis ng ibang dumi sa tubig.

3. Magpasingaw ng tubig.
  Ilagay ang nasala na tubig alat sa isang palayok at ipakulo hanggang sa halos lahat na ng tubig ay  mawala na . Maari itong ibilad sa araw. Alisin ang mamasa asin mula sa palayok at ilagay ang mga ito sa isang plato o sa isang mangkok. Ibilad ito sa araw upang matuyo o mawala ang iba pang tubig dito.

4 .Ilagay ang nagawang asin sa lalagyan.
  Ngayon ang iyong asin ay handa nang gamitin  Maaari mong piliin na magdikdik ang mga ito ng mas pino.



 



 



 
 

No comments:

Post a Comment